May bumagsak na buto sa tabing daan, Natalo ng mga ibong nagdatingan, Ang salita'y natagpuan, ngunit hindi tinanggap, Ang puso'y matigas, kaya’t nawawala't naglaho. May bumagsak sa mabatong lupain Umunlad ng bahagya ngunit nalanta rin Init ng araw sumiklab sa tanghali Buhay nitong binhi madaling napariwari (wari) Ang manghahasik nagtanim ng pag-asa Ngunit ilan ba ang tunay na nagtagumpay Sa ibabaw ng matabang lupa nagsaya Ang pag-aani'y sagana’t tinutunghayang tunay May nahulog sa gitna ng damo Tinubuan ng tinik, nasaktan ang puso Lumalago, pero biglang huminto Iniwan sa sakit, walang lumago Ngunit ang bumagsak sa matabang lupa Umunlad lumago ng walang kapantay Bunga’y sagana ani’y walang kapara Ang biyaya ng Diyos kayamanan sa buhay Ang manghahasik nagtanim ng pag-asa Ngunit ilan ba ang tunay na nagtagumpay Sa ibabaw ng matabang lupa nagsaya Ang pag-aani'y sagana’t tinutunghayang tunay