Sa Dalampasigang Kalmado - Andrej Agas/Laya
Composed by:Kimberly Tababa|Andrej Agas
Arranged by:Andrej Agas
Produced by:Andrej Agas
Kung ako ay iyong papipiliin
Sa dagat ay hindi magpupunta
Dahil napakainit ng buhangin
Na sumiksiksik saking mga paa
At mas lalong di ko kaya sa malalim
Baka malunod at saan pa mapunta
Ngunit magmula nang iyong ayain
Hinayaan kong damit ay mabasa
Walang sinabi ang alat ng tubig
Sa tamis ng iyong mga ngiti
Ako'y isdang nahuli ng iyong pain
Ngunit sa iyong lambat akoy hindi aalis
O Magpapaalam muna sa dalampasigan ko
At sisisirin ko ang lawak ng iyong mundo
Sa alon ma'y matalo di aahon hanggang dulo
Dahil ang damdamin ko
Mas malalim pa sa dagat na ito
O Magpapaalam muna sa dalampasigan ko
At sisisirin ko ang lawak ng iyong mundo
Sa alon ma'y matalo di aahon hanggang dulo
Dahil ang damdamin kong ito
At ang pag-ibig ko
Mas malalim pa sa dagat na ito