May bumagsak na buto
sa tabing daan,
Natalo ng mga ibong
nagdatingan,
Ang salita'y natagpuan,
ngunit hindi tinanggap,
Ang puso'y matigas,
kaya’t nawawala't naglaho.
May bumagsak sa
mabatong lupain
Umunlad ng bahagya
ngunit nalanta rin
Init ng araw sumiklab
sa tanghali
Buhay nitong binhi
madaling napariwari (wari)
Ang manghahasik
nagtanim ng pag-asa
Ngunit ilan ba ang
tunay na nagtagumpay
Sa ibabaw ng
matabang lupa nagsaya
Ang pag-aani'y sagana’t
tinutunghayang tunay
May nahulog sa gitna ng damo
Tinubuan ng tinik,
nasaktan ang puso
Lumalago, pero biglang huminto
Iniwan sa sakit,
walang lumago
Ngunit ang bumagsak
sa matabang lupa
Umunlad lumago ng
walang kapantay
Bunga’y sagana
ani’y walang kapara
Ang biyaya ng Diyos
kayamanan sa buhay
Ang manghahasik
nagtanim ng pag-asa
Ngunit ilan ba ang
tunay na nagtagumpay
Sa ibabaw ng
matabang lupa nagsaya
Ang pag-aani'y
sagana’t tinutunghayang
tunay