Tupad Na Ang Pangarap-文本歌词

Tupad Na Ang Pangarap-文本歌词

Trina Belamide&TriBe Singers&Ayie Remonte&Eugene Cailao
发行日期:

Kay raming pangarap, minsan natutupad

Minsan ‘di para sa atin

Sa mga pagkakataong ito

Ako’y nagpapasalamat pa rin

Sa pagsikat ng araw

Liwanag ng buwan at bituin

Tubig sa dagat, mga puno’t bundok

Sariwang simoy ng hangin

O kay ganda ng ating mundo

Nasisilayan ng aking puso

At sa mga biyayang ito

Tupad na ang pangarap ko

Tupad na ang pangarap ko

Mga bituin sa kalangitan

Kailangan bang abutin

Kung liwanag nito’t pagniningning

Ay kaligayahan na sa akin

Bahaghari pagkatapos ng ulan

Halakhak at awiting kay sarap pakinggan

Mga taong mabait at mapagbigay

Yakap at ngiti ng mahal sa buhay

O kay ganda ng ating mundo

Nasisilayan ng aking puso

At sa mga biyayang ito

Tupad na ang pangarap ko

Tupad na ang pangarap ko

Kagandahan, kabutihan

Kaligayahan ang hatid

O kay ganda ng ating mundo

Nasisilayan ng aking puso

At sa mga biyayang ito

Tupad na ang pangarap ko

Tupad na ang pangarap ko

O kay ganda ng ating mundo

Tupad na ang pangarap ko