Umawit Kayo!-文本歌词

Umawit Kayo!-文本歌词

发行日期:

Umawit Kayo! - Hangad (渴望)

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin

Yahweh kong mahal

Kahanga hanga ang 'yong mga kamay

Ang bisig mo aking tagumpay

Ipinakilala ng aking Diyos

Sa lahat ng bansa

Kanyang kapangyarihan

At awa

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin

Yahweh kong tapat

Di mo nilimot ang 'yong mga sumpa

Ang pag ibig mo laging matatag

Ngayo'y umaawit buong daigdig

Sa Iyong tagumpay

At paghango sa amin

'Yong bayan

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin

Yahweh kong ama

Kay luwalhati ng 'yong mga likha

Sa kalangitan may pagdiriwang

Ang mga dagat at ilog man ay nagsusumigaw

Sa 'yong kadakilaan

At dangal

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin

Magsumigaw sa kaligayahan

Itanghal kadakilaan ng Diyos

Ng Diyos

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin

Umawit kayo ng bagong awitin

Sa Panginoong butihin