O sinta
Bakit ka lumisan nang walang paalam
Handa pa naman ako sa walang hanggan
Pero ‘di mangyayari, naulit ‘yung dati
Nawala
Nawala nang bigla ang pangako mo sa ‘kin
Lahat ng nasabi, puro sinungaling
‘Di ko pinansin, minahal kita pa rin
Hanggang sa alaala na lang kita makikita
Kung may mahulog mang bituin
‘Di ko rin maibabalik
Ang nawala sa akin, nawala
Hanggang sa alaala na lang ako liligaya
Ano’ng kailangan kong gawin
Para ‘kaw ay bumalik
Huwag na sanang umalis, katulad dati
O sinta
Sabihin mo sa ‘kin kung ano nangyari
Hindi ko alam, ‘di ko rin masabi
‘Ko’y nagdadalamhati, naulit ‘yung dati
Nawala
Nawala nang bigla ang aking kalahati
Lahat ng problema, bigla nang dumami
‘Di ko pinansin, minahal kita pa rin (minahal kita pa rin)
Hanggang sa alaala na lang kita makikita
Kung may mahulog mang bituin
‘Di ko rin maibabalik
Ang nawala sa akin, nawala
Hanggang sa alaala na lang ako liligaya
Ano’ng kailangan kong gawin
Para ‘kaw ay bumalik
Huwag na sanang umalis, katulad dati
Hanggang sa alaala
Hanggang sa alaala
Hanggang sa alaala
Hanggang sa alaala
Hanggang sa alaala na lang kita makikita
Kung may mahulog mang bituin
‘Di ko rin maibabalik
Ang nawala sa atin, nawala sa atin
Hanggang sa alaala na lang kita makikita
Kung may mahulog mang bituin
‘Di ko rin maibabalik
Ang nawala sa akin, nawala
Hanggang sa alaala na lang ako liligaya
Ano’ng kailangan kong gawin
Para ‘kaw ay bumalik
Huwag na sanang umalis, katulad dati
Hanggang sa alaala na lang kita makikita