Ang daming bagay nangyayari di mo ba namamalayan
Kasama dun pagnakaw ng gobyerno sa ating bayan
Pati ang paglalakad sa kalsada ni kamatayan
Kasi maraming nangongontrol at sila'y mayaman
Di mo ba pansin kung bat ganon
Laging may putukan pero walang tumatalon
Nakatayo ka lang sa labas may manghahampas ng baton
Kailangan mong mag ingat kung sa hirap ika'y baon
Dahil par, hindi ito gera laban lamang sa droga
Pati inosente namamatay para lang sa inyong quota
Kagaya lang ni Kian di na nakasuot ng toga
Tayo'y pinapaglaruan lang nagmistula tayong dota
Hindi mo na alam ang iyong pakikinggan
Bias na mga balita o ang katotohanan?
Desisyon natin gawin ang tama ang kailangan
Di dapat mag away dapat magkaisahan
Bakit mamser? Saklap na ba ng realidad
Di mo ba kita kahirapan sa bawat siyudad
Gusali dito't gusali nandoon
Di ka ba naawa sa mga ginawa ng Panginoon
Ang kanta na ito ay aking sinulat
Para sa realidad tayo ay mamulat
Na sa huli wala ng magugulat
Pagkat sa kanila, tayo ay matutulad
Ang kanta na ito ay aking sinulat
Para sa realidad tayo ay mamulat
Na sa huli wala ng magugulat
Pagkat sa kanila, tayo ay matutulad
Matuto sana tayo maging disente
Wag natin tularan ang di makataong presidente
Pinapatay mga tao kahit na sila ay inosente
Mamaya makita mo na lang may insidente
Merong bangaan, suntukan, at barilan
Di ba kayo nalulungkot walang kapayapaan
Ang mga bata na masisilayan
Kasi mga tao nawawalan ng karapatan
Gobyerno natin nagmistulang pirata
Hindi naawa sa mahihirap na bata
Kuha na lang pera tas may patay na sa kalsada
Wala ng pagkain kundi sardinas sa lata
Mga tao lagi na lang manhid
Elitistang nangongontrol pinapakita ang ganid
sa yaman kaya sa kahirapan la silang batid
patagong tinutulungan nakakulong dun sa silid
Sa totoo lang, ano ba ang inyong ninanais?
May manlalaban at sumunod kay Arnaiz?
ginawan lang ng kwento at dahilan ay labis
na di kapanipaniwala ginamitan ng lapis
Ang kanta na ito ay aking sinulat
Para sa realidad tayo ay mamulat
Na sa huli wala ng magugulat
Pagkat sa kanila, tayo ay matutulad
Ang kanta na ito ay aking sinulat
Para sa realidad tayo ay mamulat
Na sa huli wala ng magugulat
Pagkat sa kanila, tayo ay matutulad
Hay, bagsak na ang ekonomiya
marami ng problema, di na nahiya
Sana naman magkaroon ng biyaya
Para wala ng galit at masaya
Gusto ng pagbabago bat di unahin sa sarili
Maayos na pamumuno, bat hindi pinili?
Kaya ngayon pa lang nagsisisi
Kasi ngayon pa lang nagising ang sarili
Ayoko na makakita ng naglalakad na patay
Pero sana bigyan pa ng chansa mabuhay
At magbago ng maayos di na umaray
Para sa gantong paraan tayo ay masanay
Na puro kasiyahan nasa utak
Walang prinoproblema sa taong droga'y tinutulak
Di na umiyak at magalit nang sangkatutak
Punasan ang kanilang luha kahit gamit bulak
Pero isa lamang yung panaginip na gustong makamtan
makita ng masaya ang kababayan
Mabuhay ng may kalayaan
Pero halata naman na walang ganyan